IATF, pinatututukan ang tumataas na hospital healthcare utilization maging ang patuloy na paglobo ng mga kaso sa bansa

Inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang regional counterparts nito maging ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na agad tugunan ang tumataas na COVID bed utilization at COVID cases sa bansa.

Sa ilalim ng IATF Resolution no. 158, pinatututukan at pina-a-assess sa mga ito ang mga case at hospital metrics para sa agarang pagresponde.

Pinatutugunan din ng IATF ang mababang percentage ng COVID dedicated beds sa pamamagitan ng pagdaragdag ng human resource for health at pagpapataas ng hospital authorized bed capacity.


Inatasan din ang mga ito na agad i-decongest ang mga ospital sa pamamagitan ng paglilipat sa asymptomatic at mild cases sa step-down facilities.

Inatasan rin ang mga ito na pangunahan ang pagbuo ng Local Government Unit Emergency Operations Center at triage areas upang matiyak na ang lahat ng COVID cases ay na-a-assess, na-iri-refer, at namo-monitor nang tama.

Habang pinatitiyak din sa mga ito ang pagpapalakas ng Local Government Unit (LGU) at community access at preference para sa home care services para sa mild at asymptomatic cases.

Facebook Comments