IATF pinayagan na ang pagdaraos ng Bb. Pilipinas 2021 Coronation Night

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagdaraos ng Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night.

Nakatakdang ganapin ang event sa darating na Linggo, July 11, 2021 sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa IATF, kinakailangang tumalima sa health and safety protocols ang lahat ng kalahok at guests sa nasabing aktibidad.


Kasunod nito, nire-require ng IATF ang lahat ng participants at guests na magpresinta ng negative COVID-19 RT-PCR Test 48 hours bago ang coronation night.

Nabatid na apat na titulo ang paglalabanan ng mga beauty queens sa Linggo kabilang na dito ang Binibining Pilipinas International, Binibining Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas Intercontinental, at Binibining Pilipinas Globe.

Facebook Comments