IATF, pinayagan nang maisama sa listahan ng APOR ang mga opisyal at personnel ng COMELEC gayundin ang mga tatakbo sa halalan

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maisama ang lahat ng mga opisyal at kawani ng Commission on Elections (COMELEC) sa listahan ng mga APOR o Authorized Persons Outside Residence habang tumutupad sa kanilang tungkulin.

Ito ay kaugnay sa nalalapit na filing ng certificates of nomination at certificate of acceptance and nomination para sa party-list groups at para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa eleksyon 2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kabilang sa mga ituturing na APOR na ngayon ay ang chairpersons o president kung absent ang secretary general o authorized representative ng political party, sectoral party, organization o coalition na sasali sa ilalim ng party-list system.


Gayundin ang mga aspirant o kanilang authorized representatives, mga kasama ng mga kandidato, mga opisyal at personnel ng COMELEC na may kaugnayan sa pagsusumite ng hard copies ng COCs at mga katulad na dokumento sa COMELEC main office.

Facebook Comments