IATF, pinayuhan ang mga establisyemento na dagdagan ang kanilang outdoor spaces

Pinapayuhan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga establisyemento sa bansa, na tangkilikin o i-develop pa ang kanilang mga outdoor space.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasabay ng pagpapaigting ng pamahalaan sa mga restriction at health protocol, laban sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon sa kalihim, makabubuting i-convert o palakihin pa ng mga establisyemento ang kanilang outdoor spaces, bilang temporary outdoor weekend markets, dining spaces, at green spaces.


Kabilang din dito ang pagkakaroon ng outdoor recreational spaces at public sanitation facilities.

Sa ganitong paraan, maipagpapatuloy ng bansa ang economic activities nito, kasabay ng ginagawang pag-iingat laban sa mga variant ng COVID-19.

Facebook Comments