IATF, posibleng aprubahan o ibasura ang proposal ng Metro Manila Mayors na i-adjust ang edad na papayagang lumabas – DILG

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroong kapangyarihan ang Inter-Agency Task Force (IATF) na aprubahan o ibasura ang proposal ng Metro Manila Council (MMC) na i-adjust ang edad ng mga maaaring lumabas ng kanilang bahay.

Nabatid na kasalukuyang 21 hanggang 60 years old lamang ang pinapayagang lumabas ng bahay, pero sa panukala ng MMC ay nais nilang gawin itong 18 hanggang 65 years old.

Para kay Interior Secretary Eduardo Año, tutol siya sa proposal na i-exempt ang mga 21-years old at pababa.


Karamihan aniya sa gagawing palusot ng mga ito para makalabas ng bahay ay may kinalaman sa edukasyon.

Paulit-ulit na ipinapaalala ng DILG sa publiko, maging ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na manatili sa bahay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Bago ito, ipinapanawagan din ng MMC na luwagan ang curfew hours na kasalukuyang mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon patungong alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments