Hindi pa magkapagpapalabas ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang magiging hakbang ng gobyerno pagkatapos ng ipinatutupad na Luzon-wide Enhance Community Quarantine (ECQ) sa Abril a-30.
Sinabi ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na ibinalik ni Pangulong Duterte sa task force ang mga rekomendasyon sa magiging patakaran pagkatapos ng Abril a-30 para magbigay pa ng karagdagang opsyon na pagbabatayan ng magiging desisyon ng Chief Executive.
Ayon kay Nograles, isasailalim pa sa masusing pagsusuri at pag-aaral para timbangin ang lahat ng opsyon para makabuo ng tamang desisyon ang Pangulo para sa kapakanan ng buong bansa
Kahapon, matatandaang ipinatawag ng Pangulo sa Malakanyang ang lahat ng mga health experts na kinabibilangan ng mga dating health secretaries ganun din ang mga economic advisers para makakuha ng suhestiyon sa magiging hakbang ng pamahalaan pagkatapos ng Luzon-wide ECQ sa Abril a-30.