IATF resolution ‘no vaccine, no work rule,’ ipatutupad sa hanay ng PNP

Maglalabas na ang Philippine National Police (PNP) ng memorandum na nagbabawal sa kanilang mga tauhang hindi bakunado kontra COVID-19 sa pag-report sa duty batay na rin sa resolution ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ayon kay PNP Spokesperson Col Roderick Augustus Alba, as of December 3, mayroon pang 1040 mga pulis mula sa 225,676 police force ang hindi pa bakunado ng walang valid reason.

Magkagayunpaman, ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, hinihikayat pa rin nila ang mga hindi pa bakunadong tauhan na magpabakuna na.


Naiintindihan daw niya na may personal choice ang mga ito pero ang prayoridad nila ay ang kapakanan ng nakararami ngayong panahon ng pandemya.

Kokonsultahin naman ng PNP ang IATF para mabigyan ng konsiderasyon ang mga tauhan nilang may valid reason dahil sa health complication.

Ang malinaw aniya ngayon ay hindi exempted ang PNP sa ipinatutupad na resolution ng IATF.

Facebook Comments