IATF: Suplay ng pagkain, sasapat hanggang sa susunod na 3 buwan

Kayang abutin ng hanggang tatlong buwan ang suplay ng pagkain sa bansa.

Ito ang pagtitiyak ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa harap na rin ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon kay Nograles, tuluy-tuloy ang pagdating ng suplay ng pagkain gaya ng manok, baboy at gulay mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa habang tiyak ding hindi magkukulang sa suplay ng bigas sa mga susunod na buwan.


Ito ay dahil sa nakatakdang pag-aangkat ng bansa ng 300,000 metriko toneladang bigas.

Facebook Comments