IATF, suportado na ang pagbabalik ng face to face classes sa lahat ng paaralan sa bansa

Nagpahayag na ng pagsuporta ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa face to face classes sa lahat ng public and private schools sa bansa.

Ayon kay Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, suportado ng IATF ang in-person classes pero nilinaw nito na hindi requirement aniya ang COVID-19 vaccine.

Sa kabila nito, umaapela si andanar sa publiko na suportahan ang public at private educational institutions para sa COVID-19 vaccination programs sa mga bata.


Mainam aniya ito upang makabalik na sa mga paaralan ang mga bata na halos dalawang taon nang nasa bahay.

Sa ngayon ay nasa 26,000 basic education schools sa bansa ang bumalik na sa face-to-face classes.

Facebook Comments