Magkakaroon ng assessment ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga susunod na araw hinggil sa posibilidad na maipasailalim na ang Metro Manila sa Alert Level 1.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, bago ang Pebrero 16 ay kanila ng sisilipin ang mga datos na magiging basehan sa pagdedeklara kung sakali ng Alert Level 1.
Binigyang-diin ni Nograles na ilan sa mga criteria na dapat sundin sa pagdedeklara ng Alert Level 1 ay dapat mababa sa 49% ang total bed utilization.
Pangalawa, dapat ay zero o patuloy na bumabagsak ang 2-week growth rate habang ang average daily attack rate (ADAR) ay dapat na nasa below 1.
Una nang sinabi ng OCTA Research Team na hindi imposibleng mapasailalim na sa Alert Level 1 ang National Capital Region basta’t patuloy na gumanda ang mga datos.