Dagupan City – Habang papalapit ang Bagyong Ompong sa kalupaan ng bansa kanya kanyang paghahanda na ang isinasagawa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga mamamayan. Dito sa Dagupan City bigla ang dagsa ng mga mamimili sa iba’t ibang pamilihan. Nagkakaubusan narin ng mga ilang primary commodities tulad ng noodles sa mga estante. Ayon sa isang empleyado ng kilalang mall sila mismo ay nabigla sa biglaang dami nh volume ng taong mamimili na hindi pangkaraniwan sa ganitong araw. Ayon naman sa ilang mamimili iba na ang handa lalo na sa pag-iimbak ng makakain lalo na’t prone ang lungsod sa pagbaha na minsan ay nagpapalala ng sitwasyon kung saan maaring ma-stranded sa loob ng bahay ng ilang araw. Samantala mas pinaaga pa ang kanselasyon ng klase sa buong antas sa lungsod na magsisimula bukas imbes September 14 at 15. Sa ngayon may mga pag-ulan ng nararanasan sa lungsod. Panawagan naman ng lokal na pamahalaan na maging mahinahon, maghanda, at magdasal.
IBA NA ANG HANDA | Ilang mga Residente sa Dagupan Nagpapanic Buying!
Facebook Comments