Iba pang akusado sa 6.4-billion shabu shipment, tinutugis ng NBI

Manila, Philippines – Patuloy na tinutugis ng National Bureau of Investigation ang iba pang personalidad na idinadawit sa P6.4 Billion shabu shipment mula China.

sinabi ni Atty. Joel Tovera ng NBI na anim pang indibidwal ang hinahanap nila.

Kabilang dito sina: Chen Ju Long alyas Richard Tan, Li Guang Feng alyas Manny Li, Tee Jay Marcellana Chen I-Min, Jhu Ming Jhun at Chen Rong Juan na mayroon ding standing warrant mula sa Manila RTC branch 46 dahil sa paglabag sa RA 9165.


Samantala, inihayag naman ni Dong na may plano na talaga syang sumuko sa mga otoridad bago mag Chinese New Year subalit naunahan siya ng arresting officers.

Nanindigan din si Kenneth Dong na inosente siya sa nasabing shabu shipment.

Facebook Comments