MANILA – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na buhay pa ang ibang foreigners na bihag ng sa kabila ng deadline expiration sa ransom money.Ayon kay Foreign Affairs Secretary Jose Almendras, patuloy pa rin ang ginagawang military operations sa Sulu.Tumanggi naman si Almendras na magbigay ng karagdagang detalye posibleng kinaroroonan ng mga bihag.Samantala, Nakikipag-alyansa na ang Indonesian government sa Pilipinas at Malaysia para masagip ang iba pang bihag ng grupo.Mismong si Indonesian President Joko Widodo ang humikayat sa miliitary chief at foreign minister ng Pilipinas at Malaysia na makipagpulong para mapag-usapan ang posibleng joint patrol para mapakawalan ang iba pang bihag.Aniya, hindi siya titigil hanggat hindi napapakawalan ang kaniyang mga kababayang hawak rin ng bandidong Abu Sayyaf.Nabatid na maliban sa Canadian national na pinugutan ng Abu Sayyaf noong Lunes, may tatlo pang Samal kidnap victims, 14 na Indonesians at 4 na Malaysians ang hawak ngayon ng bandidong grupo.
Iba Pang Bihag Ng Abu Sayyaf Group, Kinumpirmang Buhay Pa
Facebook Comments