Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari pa ring gamitin ang ibang brand ng Molnupiravir na una nang nabigyang ng Compassionate Special Permit (CSP).
Pahayag ito ni FDA Director General Eric Domingo kasunod ng pag apruba ng tanggapan sa Emergency Use Authorization (EUA) application ng brand na Molnarz.
Ayon sa ospisyal, ititigil na ng FDA ang paglalabas ng Compassionate Special Permit.
Gayunpaman, maaari pa ring gamitin ng mga ospital ang kanilang stock ng ibang brand hanggang maubos na ang supply na nasa ilalim ng special permit na ito.
Ayon kay Usec Domingo, mayroon na ring ibang brand ng Molnupiravir ang nag-apply para sa EUA sa Pilipinas, at sa oras na makapag-comply ang mga ito sa hinihinging requirement ng tanggapan, agad naman itong a-aprubahan ng FDA.