Iba pang CCTV footage sa mga establishment sa bisinidad ng NAIA-3, nire-review na rin kaugnay ng pagsabog ng molotov bomb kahapon

Nire-review na rin ng Airport Police Department at ng PNP Aviation Security Group ang iba pang closed-circuit television (CCTV) camera sa business establishments sa open parking ng NAIA-3.

Kasunod ito ng pagsabog ng molotov bomb sa parking ng paliparan kung saan tatlong mga sasakyan ang napinsala.

Tumutulong din sa imbestigasyon ang Philippine National Police Scene of the Crime Operatives (PNP SOCO) ng Pasay City.


Isang well-wisher na si Michael dela Cruz ang unang nakakita sa pagbagsak ng bote na sumabog sa windshield ng isang nakaparadang Toyota Fortuner.

Dalawa pang sasakyan ang nagtamo ng mga gasgas sa impact ng molotov bomb.

Hinigpitan na ngayon ang seguridad sa paliparan kung saan kapansin-pansin ang pagbigat ng trapiko ng mga sasakyan na pumapasok sa open parking ng NAIA-3.

Facebook Comments