Iba pang hinihinalang foreign POGO financiers sa Pilipinas, tinutunton na rin ng PAOCC

Patuloy ang pagtunton ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa iba pang hinihinalang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO financiers sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni PAOCC Spokesperson Winston Casio kasunod ng ulat tungkol sa apat na Chinese at Chinese-Malaysian POGO financiers na na-monitor sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Casio na malapit nang mahuli ng mga awtoridad ang mga dayuhang financier o nagpopondo sa operasyon ng mga ilegal na POGO.


Posibleng higit pa aniya sa apat ang dayuhang POGO financier ang nandito sa Pilipinas kaya patuloy ang kanilang monitoring at pangangalap ng impormasyon.

May mga hawak na rin silang matibay na ebidensyang magpapatunay sa pagpopondo ng mga dayuhan sa mga junket at illegal POGO operations.

Samantala, tiniyak din ng PAOCC ang patuloy na pagkubkob sa tinatayang 100 pang illegal POGO na nag-underground o patuloy ang operasyon sa kabila ng POGO ban.

Iniimbestigahan na rin aniya ang mga Pilipinong sinasabing nag-takeover o nangunguna na sa operasyon ng mga iniwang illegal POGO.

Facebook Comments