Iba pang indibidwal na may kaugnayan sa pinaslang na magkasintahang beauty pageant contestant at Israeli BF, iniimbestigahan na rin

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang mga bangkay na nadiskubreng nakalibing sa Capas, Tarlac ang nawawalang beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at Israeli fiancé nitong si Yitzhak Cohen.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ito ay matapos sumailalim sa autopsy at DNA test ang mga nakuhang labi.

Nahanap ang mga biktima matapos maglabas ang Tarlac City Regional Trial Court Branch 111 ng warrant nitong Biyernes.


Sa ngayon, hawak na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na mga pulis na nag-AWOL kung saan nakuhanan rin sila ng mga baril.

Bukod sa kanila, may iba pang indibidwal na iniimbestigahan kaugnay sa kaso.

Huling nakitang buhay ang dalawang biktima nang bisitahin ang lupang bibilhin sana nila sa Capas.

Kinabukasan, nakita ang kanilang SUV na sinunog habang nawawala ang mga biktima.

Una nang kinumpirma ng pamilya ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 contestant na mga gamit ng kanilang kaanak na si Lopez ang mga nakitang sinunog.

Facebook Comments