Iba pang kaanak ng mga Parojinog sa Ozamiz City, tina-trabaho pa ni Chief Inspector Jovie Espenido

Manila, Philippines – Hindi pa matiyak ni Chief Inspector Jovie Espenido kung kailan siya magsisimula sa kanyang bagong assignment bilang hepe ng Iloilo City Police.

Ayon kay Espenido, hindi pa kasi lumalabas ang formal order na nag-aatas ng kanyang reassignment.

Sinabi pa ni Espenido na kailangan din muna niyang tapusin ang kanyang misyon sa Ozamiz City.


Aniya, tinatrabaho pa nila ang ilan pang kaanak ng mga Parojinog na hinihinalang sangkot din sa iligal na droga.

Gayunman, sinabi ni Espenido na 99-percent nang tapos ang kanyang misyon sa Ozamiz City matapos mapatay sa police operation noong July 30 si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Senior na itinuturing na big time drug trader sa Mindanao.

Facebook Comments