Iba pang kasabwat ng naarestong Termite Gang na nanloob sa bangko, pinaghahanap na ng QCPD

Quezon City – Pinaghahanap na ng Quezon City Police District ang iba pang kasabwat ng limang suspek na mga miyembro ng Termite Gang na nagnakaw sa isang bangko sa Fairview, Quezon City.

Matatandaan na una nang nadakpi ng QCPD ang mga suspek na sina Jordan Duldulao, Melbert Aligan, Allyson Aligan, Gearldine Bawas at Ambrose Rex Layao na muling pinaghahandaan na pasukin ang isang bangko sa EDSA cor. New York Street, E. Rodriguez Avenue.

Ayon kay QCPD District Director C/Supt. Guillermo Eleazar, naaresto ang lima sa tulong ng confidential informant na nagbigay ng impormasyon na sakay ng isang SUV na may plakang AHN-858 ang mga suspek.


Sa isinagawa nilang imbestigasyon, pawang mga hindi taga-Maynila ang mga suspek at nasa 10 miyembro pa ng grupo ang kanilang tinutugis.

Nagsasagawa na din ng follow-up operation at investigation ang qcpd para malaman kung sila din ang responsable sa mga insidente ng pagnanakaw na may ganitong uri ng pagpa-plano.

Facebook Comments