Kinalampag ni House Deputy Minority leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Ito ay para tutukan din at sikaping maresolba ang iba pang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag na hindi pa rin nakakamit ang hustisya.
Panawagan ito ni Castro sa mga awtoridad kasunod ng paghahain ng kaso kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at sa iba pang mga sangkot sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Kaugnay nito ay pinapatiyak din ni Castro na hindi fall guy o maling mga tao ang mga kinasuhan upang masiguro na mapapanagot ang ang tunay na utak at mga nagsagawa pagpatay kay Lapid.
Kasabay nito ay iginiit din ni Castro na repasuhin ang sistema sa mga bilangguan sa Pilipinas matapos lumabas sa imbestigasyon na pawang bilanggo at opisyal ng BuCor at New Bilibid Prison (NBP) ang sangkot sa pagpatay kay Lapid.
Ayon kay Castro, ipinapakita nito na hindi nakakamit ang layunin na rehabilitasyon at baguhin ang mga nakukulong dahil sa pagkakasala sa ating batas tulad ng paggawa ng krimen.