Iba pang kumpanya ng langis, nag anunsyo na rin ng rollback

Manila, Philippines – Bukod sa Flying V , nag anunsyo na rin ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang Pilipinas Shell.
 
Tulad ng Flying V,Bente singko sentimos  kada litro rin ang ibababa ng Shell sa presyo ng BioDiesel habang kinse sentimos naman sa kerosene.
 
Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.
 
Samantala, ang Phoenix Petroleum Philippines ay magro-rollback din bukas ng bente-singko sentimos kada litro sa Diesel.
 

Facebook Comments