Iba pang lalawigan sa labas ng Metro Manila, posibleng ilagay rin sa ECQ!

143

Bukod sa Metro Manila, posibleng madagdagan pa ang mga lugar na isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health Sec. Francisco Duque III, posible ring ilagay sa ECQ ang lalawigan ng Laguna, Cavite, Bulacan, Batangas at Quezon Province.


Aniya, magpupulong ngayong hapon ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang desisyunan ang nasabing panukala.

Layon aniya nitong mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang mga lalawigan.

Facebook Comments