Iba pang LGUs, hinimok ng DA na direktang mamili ng palay ngayong panahon ng anihan

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang iba pang mga lokal na pamahalaan na direktang mamili ng palay sa mga local farmers ngayong nagsisimula na ang anihan.

Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Undersecretary Ariel Cayanan na sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga local farmers na nagrereklamo sa napakamurang farmgate price ng palay.

Sa ngayon ayon kay Cayanan, mayroong 442 na mga Local Government Units (LGUs) ang direktang bumibili ng aning palay sa mga magsasaka sa kanilang mga lugar.


Abot na sa 2.6 billion na aniya ang napamili ng mga LGUs bilang suporta sa National Food Authority (NFA) na nakatutok na sa pagpuno ng kanilang bufferstock.

Ang mga institutionalized buyers tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay hinimok na ring mamili mula sa mga magsasaka.

Nakatutok din aniya ang Department of Trade and Industry (DTI) para siguruhing kikita ang mga local farmers ngayong anihan.

Facebook Comments