Iba pang maanomalyang transaksyon ni Ilocos Gov. Imee Marcos, iimbestigahan ng Kamara

Manila, Philippines – Iimbestigahan rin ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang iba pang maanomalyang transaksyon sa ilalim ng pamumuno ni Ilocos Gov. Imee Marcos

Ayon kay Rep. Johnny Pimentel, Chairman ng komite, kabilang sa kanilang iimbestigahan ang estatwa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at iba pang personalidad sa Ilocos.

Bukod pa rito ang Paoay museum, pagbili ng gamot, sasakyan at pag-abono na kabilang sa pitong transaksyon na sinita ng Commission on Audit noong 2013 na nagkakahalaga ng mahigit P73.8 milyon dahil idinaan sa cash advance.


Itinanggi rin ni Pimentel ang alegasyong sinuhulan ng ‘yellow forces’ ang mga mambabatas para masigurong maipakulong ito.

Naniniwala rin si Pimentel na taktika na lamang ni Marcos ang mga walang basehang alegasyon para mawala ang atensyon ng publiko sa paggamit nito ng tobacco excise tax.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments