
Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na maaaresto sa patuloy na operasyon ang iba pang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Mindoro.
Ayon kay PNP acting Chief Police Lt.Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., kumpiyansa ang ahensya na ang lahat ng natitirang akusado sa nasabing kaso ay mapapanagot.
Kaugnay nito, inatasan ni Nartatez ang mga police unit na paiigtingin pa ang pagtugis, lalo na’t marami na ang mga suspek na sumusuko.
Tiniyak ng PNP sa publiko na handa ang ahensya na ipagpatuloy ang mga hakbang sa pagpapatupad ng batas.
Facebook Comments









