Iba pang mga kasamahan ng babaeng Bolivian drug courier na naaresto sa NAIA, ina-abangan ng airport authorities

*Manila, Philippines – *Ina-abangan ng mga otoridad sa NAIA ang iba pang kasamahan ng naarestong babaeng Bolivian national dahil sa pagpupuslit na iligal na droga sa bansa.

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang Bolivian na si Maria Hinojosa Bazan.

Nakuha kagabi mula sa apat na winter jackets ni Bazan ang liquid substance na nagpositibo sa cocaine.


Inabangan ng mga otoridad sa NAIA ang naturang dayuhan sakay ng Etopian Air

Una nang tinimbre ng Interpol ang papadating sa NAIA 1 na foreign national na may dalang iligal na droga.

Facebook Comments