Patuloy na umiikot ang Department of Migrant Workers-Overseas Workers Welfare Administration (DMW-OWWA) team at ang Philippine Embassy sa iba pang mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Hamas.
Naghahatid sila ng emergency assistance sa mga Pinoy na-apektuhan mula pa sa unang araw ng paglusob ng Hamas militants ang ilang komunidad sa southern Israel.
Nagpapasalamat din ang embahada sa Filipino community groups at mga indibidwal na nagbabayanihan para sa mga kababayan.
Ilan sa kanila ang tumutulong para mabigyan ng matutuluyan, grocery, at iba pang mga kinakailangan ang mga Pinoy na pansamantalang lumikas.
Facebook Comments