Iba pang mga suspek sa pagkamatay sa hazing ng engineering student, nagpapahiwatig na susuko na rin

May ilan na ring kampo ng persons of interest sa pagkamatay ng chemical engineering student na si John Matthew Salilig ang nagpahiwatig na susuko rin.

Ito ang ipinaabot sa Department of Justice (DOJ) ni Laguna Philippine National Police (PNP) Provincial Director PCol. Randy Glenn Silvio.

Naniniwala si Silvio na sa oras na litisin sa korte ang kaso laban sa mga ito ay makipagtutulungan o ilalahad din ng mga ito ang tunay na pangyayari.


Ang isa sa anim ay una nang nagsumite ng extra judicial confession.

Ang anim na frat men ay sinampahan ng mga reklamong paglabag sa Anti- Hazing Law sa DOJ.

Sa inquest proceedings sa DOJ ay napaiyak ang ilan sa mga suspek.

Facebook Comments