Iba pang mga suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III, posibleng lumutang

Manila, Philippines – Naniniwala si MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na mayroong posibilidad na lulutang ang iba pang sangkot sa pagpatay kay Horacio Thomas Castillo III sakaling magpalabas ng resolusyon ang DOJ na pakawalan si John Paul Solano.

Ayon kay Margarejo sakaling pakawalan pansamantala si Solano ng korte hindi malayo umano na lulutang ang iba pang sangkot sa krimen upang linisin ang kanilang partisipasyon sa inititiation rites kay Castillo.

Matatandaan na lumipad patungong Taiwan si Ralph Trangia matapos makaladkad ang kanyang pangalan na sangkot umano sa hazing activities na ikinamatay ni Castillo.


Paliwanag ni Margarejo posibleng nakikiramdam lamang ang iba pang mga sangkot sa krimen sa anumang magiging desisyon ng DOJ kung pakakawalan pansamantala si Solano.

Facebook Comments