Manila, Philippines – Nakapagtayo ang China ng radar at communications facilities sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Sa ulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), itinayo ang mga ito sa Fiery Cross, Mischief at Subi Reef sa Spratly Islands.
Ipinaubaya naman ng Malacanang sa Philippine Navy ang pagsagawa ng hakbang sa panibagong itinayong pasilidad.
Una nang pinabulaanan ng China ang akusasyon ng US na ginagawa nilang militarize zone ang lugar na pinag-aagawan din ng mga bansang Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.
Facebook Comments