Iba pang miyembro ng Aegis Juris fraternity, nagpaabot na ng surrender feeler sa NBI

Manila, Philippines – Nagpaabot na ng surrender feelers sa NBI ang ilang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ang naturang fraternity members ay nagpahayag ng kahandaang makipagtulungan sa imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni UST Law student Horacio Castillo III.

Sinabi ni Aguirre na credible ang naturang testigo at sila ang magiging susi sa pagresolba sa krimen.


Nilinaw naman ng kalihim na sa ngayon, wala pa silang hawak na testigo.

Nanindigan din si Aguirre na isasailalim sa Witness Protection Program ng DOJ ang lahat ng mga lulutang na testigo sa pagkamatay ni Castillo.

Facebook Comments