Iba pang miyembro ng Aegis Jvris fraternity, kakasuhan din!

Inihahanda na ng pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo ang pagsasampa ng mga karagdagang kaso laban sa ibang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing sangkot sa pagkamatay ng freshman law student.

Ayon sa mga magulang ni Atio na sina Carmina at Horacio Castillo Jr. – kabilang sa kakasuhan nila ay ang mga nasa group chat na nag-usap-usap kung paano pagtatakpan ang pagkamatay ni Atio.

Kahapon, hinatulang guilty ng korte sa kasong obstruction of justice ang isa sa mga miyembro ng frat na si John Paul Solano.


Gayunman, pinawalang-sala siya sa kasong perjury.

Patuloy namang dinidinig ng korte ang petisyon ni Aegis Juris leader Arvin Balag at siyam pang miyembro ng fraternity na payagan silang makapag-piyansa.

Mayo ng nakaraang taon pa nakakulong sa City Jail ang mga suspek.

Facebook Comments