MANILA – Inamin ni incoming President Rodrigo Duterte na ilang personalidad ang tumanggi sa alok niyang sa pwesto sa gabinete.Sinabi ni Duterte na hindi tinanggap ni Gilbert Teodoro ang alok bilang Defense Secretary kaya ibibigay na lamang niya ito sa isang retiradong sundalo.Pero iginiit ni Teodoro na pinag-aaralan pa niya ang alok ni duterte.Bukod kay Teodoro, umayaw na rin umano sa alok bilang Education Secretary si Peter Laurel.Sa ngayon, wala pang itinatalagang kalihim sa Department of Trade and Industry, Budget and Management, Science and Technology, Interior and Local Government, MMDA at Chief Negotiator ng Communist Party of the Philippines.Napili naman si Ernesto Pernia ng UP school of economics bilang pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA) habang si dating Justice Secretary Silvestre Bello III ang uupong Labor Secretary.Itinalaga naman bilang National Security Adviser si Hermogenes Esperon, PSG Chief naman si Col. Rolando Bautista ng Joint Task Group Basilan.Cabinet Secretary si Dating Maribojoc Mayor Jun Evasco na nagsilbing campaign manager ni Duterte noong halalan.
Iba Pang Miyembro Sa Gabinete Ni Incoming President Rodrigo Duterte, Pinangalanan Na
Facebook Comments