Iba pang online service ng PhilHealth, nagbalik na rin

Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na nakabalik na ang iba pa nilang online service matapos ang pag-atake ng MEDUSA ransomware syndicate noong isang buwan.

Batay sa abiso ng PhilHealth, maaari na ring ma-access ng kanilang mga miyembro ang iba pa nilang serbisyo gaya ng eGroup na magagamit para sa group enrollment sa PhilHealth.

Gayundin ang point of service na ginagamit para sa social welfare assistance sa ospital, Electronic PhilHealth Online Access Form o online form na kailangan ng employers para magkaroon ng access sa Electronic Premium Remittance System.


Bukas na rin ang iCARES na ginagamit ng mga PhilHealth Customer Assistance, Relations, and Empowerment Staff para mabigyan ng assistance ang mga pasyenteng naka-confine na sa ospital.

Una nang binuksan ng State Health Insurer ang kanilang PhilHealth Portal para sa Local Government Units, Health Care Professional Portal, Electronic Collection Reporting System.

Gayundin ang All Case Rate Search Systems, Health Care Institution, Electronic Premium Remittance System, Electronic PhilHealth Acknowledgement Receipt, Website, Member Portal at Electronic Claims o eClaims.

Facebook Comments