Matapos ang pagsibak kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Undersecretary Nicanor Faeldon, nananawagan na rin si Senate President Vicente Tito Sotto III na magbitiw na rin sa pwesto ang iba pang mga opisyal ng BuCor na sangkot sa kontrobersyal na good conduct time allowance o GCTA.
Ayon kay Sotto, hindi na siya nasorpresa sa naging desisyon ng Pangulo na sibakin si Faeldon.
Para naman kay Senador Joel Villanueva, kapuri-puri ang ginawang hakbang ng Pangulong Duterte sa kapalpakan sa pamamahala ni Faeldon sa BuCor at posibleng pagkakasangkot sa katiwalian.
Tiniyak naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri suportado ng publiko ang pagsibak ng Pangulo kay Faeldon.
Inihayag naman ni Senador Panfilo Lacson na lalong may dahilan para magpatuloy ang kanyang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa kriminalidad.
Nagpahayag naman ng suporta si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa naging aksyon ng Pangulo sa pagpapatalsik kay Faeldon sa pwesto.
Nagpasalamat naman si Senadora Imee Marcos sa Pangulo sa pagbibigay ng proteksyon laban sa mga kriminal na nakalaya dahil sa GCTA.