Iba pang petisyon para sa refund sa singil sa kuryente, pinaaaksyunan na rin ng Kamara

Umapela si Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa Energy Regulatory Commission (ERC) at sa Manila Electric Company (Meralco) na desisyunan na rin ang iba pang petisyon ng refund o rebate para sa mga consumer.

Pakiusap ni Herrera, bilisan sana ng ERC ang pagpapasya sa mga nakabinbing refund para sa mga consumer upang makadagdag tulong sa publiko na nahihirapan sa pang-araw-araw na gastos.

Welcome naman sa kongresista ang P21.8 billion na refund na epektibong ibabalik sa mga consumer sa loob ng 12 buwan simula ngayong buwan ng Hulyo.


Aniya, ang P141 na refund sa singil sa kuryente ng Meralco ay malaking bagay na ngayong nagtataasan ang mga presyo ng bilihin.

Humirit naman si Herrera ng “unbundling” sa presyo ng mga produktong petrolyo nang sa gayon ay detalyado at tama ang ipepresyo sa langis at magreresulta ito sa pagbaba sa presyo ng kuryente.

Facebook Comments