Manila, Philippines – Nanawagan si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na palayain na rin ang lahat ng political prisoners sa bansa.
Ito ay kasunod ng paggawad ng pamahalaan ng pardon sa sampung political prisoners.
Ang mga political prisoners na ginawaran ng pardon ay sina Emeterio Antalan, Ricardo Solangon, Joel Ramada, Apolonio Barado, Jose Navarro, Generoso Rolida, Arnulfo Boates, Manolito Matricio, Josue Ungsod, at Sonny Marbella.
Ayon kay Zarate, welcome para sa kanila ang ginawa ng Pangulo dahil ito ay isang positive gesture para magtuluy-tuloy ang peace negotiations ng CPP-NPA-NDF at ng gobyerno.
Pero, iginiit nito ang pagpapalaya sa ibang political prisoners dahil ipinaglalaban lang naman ng mga ito ang kanilang karapatan.
Nanawagan din si Zarate na sumangayon ang Pangulo sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) para solusyunan ang mga tunay na dahilan ng armed conflict tulad ng kahirapan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558