Iba pang Process Meat Manufacturer, hinimok ng DA na sumailalim sa ASF test

Matapos mag-positibo sa asf ang 2 produkto ng Mekeni hinimok ng DA na sumalang din sa African Swine Flue ang iba pang kumpanya.

Ito ay para malinis at maklaro sa publiko na virus free ang kanilang produkto.

Dahil kasi sa insidente nagdadalawang isip ang iba na bumili ng Process Eat Product tulad ng tocino, hotdog at longganisa.


Ayon kay Agri. Spokesman Noel Reyes meron 148 manufacturer at 63 kumpanya na ang sumailalim sa pag-susuri.

Magandang balita dahil ang lahat ng ito ay nag negatibo sa ASF.

Sa ngayon bukod sa pagsasagawa ng ASF test, nagsasagawa din ng backtracking ang DA upang matukoy kung paano nagka asf ang 2 produkto ng Mekeni.

Samantala pinaubaya na ng DA sa FDA ang iba pang proseo tulad ng pag-sasampa ng kaso matapos ang insidente.

Facebook Comments