Iba pang refund cases ng Meralco, pinamamadali na rin ng Makabayan sa Kamara

Hinimok ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin na rin ang iba pang refund cases sa singil sa kuryente.

Kasunod nito ang pagkalugod ng kongresista sa kautusan ng ERC sa Meralco na i-refund sa mga consumers ang P7.8 billion overcharged sa taong 2012 hanggang 2015.

Sinabi ng kongresista na “overdue” na ito ngunit welcome pa rin ang nasabing desisyon dahil matutulungan kahit papano ang mga consumer sa mataas na singil sa kuryente.


Magkagayunman, mariing umaapela ang mambabatas sa ERC na mabilis ding aksyunan ang iba pang kaso ng sobrang singil sa kuryente ng Meralco.

Aniya, ang utos na P7.8 billion refund ay barya lamang kung ikukumpara sa P29 billion na sobrang singil sa distribution charge ng Meralco mula 2013 hanggang 2018.

Kinalampag ng kongresista ang ERC na desisyunan na rin ang mahigit P20 billion na balanse sa refund ng Meralco upang makabawi rin ang mga consumer sa sobrang singil ng kompanya.

Facebook Comments