Iba pang respondents sa reklamong inihain ng SEC kaugnay ng KAPA investment scam, nagsumite na rin ng kontra-salaysay sa DOJ

Pinagsusumite ng Department of Justice (DOJ) panel ang Securities and Exchange Commission (SEC) na magsumite ng kanilang tugon sa counter affidavit na isinumite ng mga kinasuhang opisyal ng KAPA dahil sa multi-billion peso investment scam.

Binigyan ng DOJ panel ang SEC ng hanggang August 15 para magsumite ng reply affidavit.

10 araw naman ang ibinigay ng DOJ panel sa mga respondent para magsumite ng kanilang rejoinder affidavit kapag naisumite na ng SEC ang kanilang tugon.


Pagkatapos nito ay isa-submit na for resolution ang reklamo.

Present sa preliminary investigation kanina sa DOJ ang mga respondent na sina Moises Mopia at Marisol Diaz na nagsumite ng kanilang kontra salaysay at personal din nila itong pinanumpaan sa harap ng DOJ panel.

Facebook Comments