
Cauayan City – Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan, lalo na sa baha.
Bukod sa Leptospirosis, maaari rin umanong makuha ang mga Soil-transmitted Helminths (STH) infections gaya ng Ascariasis, Trichuriasis, at Ancylostomiasis.
Ayon sa ulat ng Kagawaran, karaniwang tinatamanaan ang mga batang mahilig maglaro sa baha na hindi pa napurgahan.
Ilan sa mga sintomas ng STH infections ang pananakit ng tiyan, pagtatae, Panghihuna, Rectal prolapse, at iba pa.
Noong 2024, nasa 57% lang ng nga batang nasa 1-4 years old ang nagpapurga sa kabila ng libreng Deworming tablets na binibigay sa mga health center.
Sa kabila nito, muling nagpaalala ang DOH na bantayang mabuti ng mga magulang ang kanilang anak, huwag hayaang maglaro sa baha, ugalihing maghugas ng kamay, iwasang kumain ng mga hindi lutong pagkain, at ipapurga ang kanilang mga anak.









