IBA PANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PRODUKSYON NG TALABA SA DAGUPAN CITY, IBINAHAGI NG ILANG MGA OYSTER FARMERS NG LUNGSOD

Ibinahagi ng ilang mga oyster farmers sa Dagupan City sa panayam ng mga ito sa iFM Dagupan ang iba pang salik na nakakaapekto sa produksyon ng talaba sa lungsod.
Nauna nang nabanggit ng mga ito ang epekto ng nararanasang pabago-bagong panahon, dagdag ang mga ipinapakaing feeds sa mga binubuhay ng isda sa itinatayong mga fishpond sa palaisdaan.
Mainit umano ang feeds na siyang pinapakain sa mga isda na hindi naman swak para sa temperaturang nararapat sa sa paglaki ng mga talaba.

Nabanggit din ng mga ito ang “molmol” o, isang klase ng tilapiang isda bagamat hindi native na nangyari umanong umuubos ng produksyon o kinakain ang mga talabang siniselmiya.
Upang maipagpatuloy umano ang kanilang hanapbuhay, mas pinipili ng mga ito ang mag-angkat mula sa Bataan, na dati ang pinagkukunan ay mula sa mga bayan ng Bolinao at Alaminos, upang makabenta pa rin lalo na at sa ngayon daw ay tinatangkilik ang nasabing produkto.
Umaasa ang mga ito na mapabilang sa mga magiging benepisyaryo ng programang “provision of oyster production equipment” na mula sa DOLE o mga kagamitang tutulong sa pagpapataas at pagpaparami ng produksyon ng talaba sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments