Maagang dinala sa Ninoy Aquino International Airport 1 (NAIA 1) ang mga natitirang turistang Canadian at Australian mula sa Luzon na naipit sa COVID-19 lockdown.
Ang naturang mga turista ay tinipon ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa iba’t ibang lalawigan sa Southern Luzon, Central Luzon at Northern Luzon.
Ang Canadian at Australian tourists ay inikutan ng bus na may sakay ng consular officers ng DFA.
Sila ay pawang stranded sa lockdown sa Laguna, Batangas, Tarlac, Bulacan, La Union, Pangasinan at Baguio City.
Mamayang gabi naman ang lipad ng chartered flights na sasakyan ng mga dayuhan pabalik sa kanilang mga bansa.
Facebook Comments