Iba pang suspek sa pagpagpatay sa 16y/o na dalagita sa Lapu-Lapu City, hindi tatantanan ng mga awtoridad

Lalo pang pinaigting ng Pambansang Pulisya ang kanilang paghahanap sa iba pang nasa likod ng pagpatay sa Grade 9 Student na si Christine Silawan.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng Police Regional Office 7 o Central Visayas ang pagkaka-aresto sa diesi-siete anyos na dating nobyo ni Silawan na umamin sa kanilang ginawang pagpatay kasama ang Dalawang iba pa.

Magugunitang naaresto ng pinagsanib puwersa ng NBI o National Bureau of Investigation at ng Pulisya ang nasabing salarin nitong Sabado kaya itinuturing na siya ngayong Suspek mula naman sa pagiging Person of Interest.


Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD o Department of Social Welfare and Development Region 7 ang menor de edad na salarin habang ikinakasa na ang pagsasailalim dito sa tamang pagdodokumento.

Kasabay nito, inatasan na ang Regional Crime Lab sa naturang rehiyon na maglabas ng ulat mula sa SOCO o Scene of the Crime Operatives gayundin ng Autopsy sa biktima na kinakailangan ng NBI at Pulisya para sa ikakasa nilang mga Follow up operations

Kahapon, naisampa na rin ng NBI Region 7 ang reklamo sa Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office laban sa nahuling menor de edad habang nasa proseso na ng pagsasama-sama ng ebidensya na hawak ng NBI at PNP para mabilis na malutas ang kaso.

Facebook Comments