Iba pang tax leakage sa BIR, iimbestigahan ng Kamara

Manila, Philippines – Tiniyak na sisilipin ng Kamara ang iba pang tax leakage sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kasabay ng balak na imbestigasyon ditto ng Mababang Kapulungan.

Nahaharap sa plunder case sina BIR Commissioner Ceasar Dulay at 17 iba pang opisyal ng BIR dahil sa hindi tamang pangongolekta ng buwis kung saan nasa 65.4 million tax lamang ang kinolekta pero dapat ay nasa 29 billion ang dapat na singilin na buwis sa isang kumpanya.

Giit ni House Ways and Means Committee Chairman Dakila Cua, dapat magpaliwanag ang BIR sa halagang kinolekta na masyadong maliit kumpara sa naging assessment na dapat kolektahing buwis.


Para naman kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johny Pimentel, mahalagang maimbistigahan ito lalo na’t nangangailangan ng malaking revenue ang gobyerno para sa mga programa nito.

Una ng sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na inihahanda na nya ang resolusyon para maimbistigahan ang BIR sa kanilang pagbabalik sesyon gayundin ang iba pang kwestyunableng koleksyon ng mga ito.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments