Naibalik na sa normal na operasyon ang dalawa pang transmission lines na nagsusuplay ng kuryente sa ilang bahagi ng lalawigan ng Quezon at Batangas na naapektuhan ng Bagyong Dante.
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nakumpuni na ang transmission lines ng Lumban-Famy 69 kilovolt (KV) line na nagseserbisyo sa Quezon II Electric Cooperative (QUEZELCO 2) at First Laguna Electric Cooperative (FLECO) at Calaca-Nasugbo 69 KV line para sa Basilan Electric Cooperative Inc. (BASELCO 1).
Nanatili pa ring hindi operational ang Paranas-Borongan-Quinapondan 69 KV line na nakaapekto sa malaking bahagi ng Eastern Samar.
Gayunman, ongoing na ang restoration activities ng NGCP sa mga lugar na accessible na o puwede nang mapuntahan.
Base naman sa monitoring ng National Electrification Administration, may mga naitala ring power outages sa mga lalawigan ng Marinduque, Romblon, Masbate, Eastern Samar at Biliran na saklaw ng anim na electric cooperatives.
Ilan dito ang naibalik na ang suplay ng kuryente habang ang iba ay isinasailalim pa sa restoration activities.