ANDA, PANGASINAN – Tumanggap ng iba’t ibang kagamitan sa pagsasaka ang mga benepisyaryo na magsasaka sa bayan ng Anda, Pangasinan bilang tulong at suporta sa pagpapalago ng kanilang pamumuhay sa kabila ng pandemya.
Sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program sa pamamagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ay kanilang matagumpay na distribusyon at pagturn-over ng mga naturang kagamitan gaya ng isang rice combine harvester, isang four-wheel tractor at apat na tractors para sa mga magsasaka ng bayan.
Layon nito na tulungan ang mga benepisyaryo sa bayan upang madagdagan ang kanilang kita sa paparating na panahon ng pagtatanim.
Pinangasiwaan ang naturang programa ng mga kawani ng LGU Anda, Sangguniang Bayan Committee on Agriculture at Municipal Agriculturist ng bayan kung saan naging matagumpay ang kanilang pagtanggap ng mga kagamitan.
Samantala, ngayong araw, magkakaroon ng distribusyon ng mga binhi sa mga rehistradong magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA sa pamamagitan ng programang Rice Seed Development Propagation and Promotion mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Ang lahat ng ito ay naganap kamakailan ng bumisita si Secretary Dar sa Pangasinan sa Rice Processing Center ng Brgy. Tebag East para sa MOA Signing ng naganap ang turn-over ng rice processing complexes sa Provincial Government ng Pangasinan.
Saad ni Velasco na ang mga ipinamahaging tulong ay malaking bagay para sa mga magsasaka upang mapaganda pa ang ani at kita ng mga ito lalo at papalapit na ang cropping season at ngayong may nararanasan pa na pandemya.