Iba’ t ibang grupo, nagkasa ng protesta kontra Cha-Cha sa Maynila

 

Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa lungsod ng Maynila bilang pagkontra sa isinusulong na Charter Change (Cha-Cha).

Nasa 300 na mga raliyista mula sa ilang grupo at mga kapanalig ng Simbahang Katoliko ang nakiisa sa nasabing protesta.

Mula sa Del Pan Bridge ay nag-martsa ang iba’t ibang grupo sa Plaza Roma o tapat ng Manila Cathedral sa Intramuros kung saan sila nagsagawa ng programa.


Mariin nilang iginiit na hindi nararapat at napapanahon ang pagpapalit ng 1987 constitution lalo na’t dapat tutukan ang suliranin ng bayan.

Tulad ng taas-sweldo, pagpapababa ng bilihin, karapatan at reporma sa lupa.

Nananawagan din sila sa Commission on Election (COMELEC) na makiisa sa taumbayan at huwag ng isailalim pa sa validation ang mga lagda na nakuha mula sa People’s Initiative.

Facebook Comments