Ibaba ang poverty rate sa 14% sa 2022, kaya pa ring makamit – NEDA

Maaari pa ring makamit ng pamahalaan ang mababang poverty rate sa katapusan ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua, mula sa 23.5% na poverty rate noong 2015, bumaba ito ng 17% noong 2018.

Kumpiyansa si Chua na maaabot ang target na 14% sa 2022 o anim na milyong Pilipino ang nakaahon mula sa kahirapan.


Iginiit ni Chua na ang susi sa economic recovery ay pagbubukas ng mga negosyo.

Mahalaga rin ang epektibong pagpapatupad ng recovery programs – tulad ng pagpapalawig ng 2020 budget at Bayanihan 2, 2021 national budget, Financial Institution Strategic Transfer Bill o FIST at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE bill.

Facebook Comments