Manila, Philippines – Binigyang diin ngayon ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na last resort na ang pagpapalawig muli sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ito ang sinabi ni Espero sa isang aktibidad sa Malacañang kung saan isinumbong ng mga Indigenous People ang pangaabuso ng rebeldeng grupo sa kanilang mga komunidad.
Ayon kay Esperon, ito ang kanilang napagusapan sa naganap na Security Cluster Meeting kung saan napagdesisyonan nah inti ang pagpapalawig ng Martial Law ang una nilang opsyon para sa Mindanao.
Paliwanag ni Esperon, hindi ang batas militar ang kanilang unang iniisip kundi ang pangangailangan ng mga taga Mindanao kaya kinukuha nila ang salobin ng mga ito bago magdesisyon.
Binigyang diin ni Esperon na kailangang dumaan sa malalimang pagaaral kung ipagpapatuloy ba ang batas militar sa Mindanao o hindi.
Inamin din naman ni Esperon na mayorya ng mga taga Mindanao ay pabor na palawigin pa ang Martial Law dahil maganda ang epekto nito sa kanilang seguridad.
Sinabi din naman ni Esperon na nagpahayag na ng suporta ang Philippine National Police sa pagpapalawig ng Martial Law at magiging bahagi ito ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.